November 24, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Agosto 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:22 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 66 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 9 kilometro.

Itinaas ang Intensity V sa Lingig, Hinatuan, at City of Bislig, SURIGAO DEL SUR; Rosario, AGUSAN DEL SUR; Maco at Monkayo, DAVAO DE ORO.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Naiulat naman ang Intensity IV sa Nabunturan, DAVAO DE ORO; CITY OF DAVAO.

Nakataas din ang Intensity III sa Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Inabanga, BOHOL; City of Baybay, LEYTE, habang Intensity II sa Mambajao, CAMIGUIN; Sogod, SOUTHERN LEYTE; CITY OF COTABATO; Datu Odin Sinsuat, MAGUINDANAO.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Nabunturan, DAVAO DE ORO

Intensity III - Abuyog, LEYTE; City of Digos, DAVAO DEL SUR; Malungon, SARANGANI; City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Intensity II - CITY OF CEBU; Carigara, at Dulag, LEYTE; Sogod, SOUTHERN LEYTE; Kadingilan, Kalilangan, City of Malaybalay, at San Fernando, BUKIDNON; Balingasag, MISAMIS ORIENTAL; CITY OF CAGAYAN DE ORO; Magsaysay,

DAVAO DEL SUR; Banisilan, City of Kidapawan, at Magpet, COTABATO; Glan, SARANGANI; City of Koronadal, at Tampakan, SOUTH COTABATO

Intensity I - Can-Avid, EASTERN SAMAR; Alangalang, Albuera, at Kananga, LEYTE; San Roque, NORTHERN SAMAR; City of Catbalogan, SAMAR; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR; Malitbog, BUKIDNON; Carmen, at President Roxas,

COTABATO; Kiamba, SARANGANI; Norala, at Surallah, SOUTH COTABATO

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Inihayag din ng Phivolcs na walang tsunami threat sa bansa mula sa naturang lindol.

Samantala, matapos ang naturang magnitude 6.8 na lindol, ay niyanig din ang Surigao del Sur ng tatlo pang sumunod na mga lindol.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa 52 kilometro ang kayo sa hilagang-silangan ng Lingig dakong 6:52 ng umaga.

Isang magnitude 4.7 na lindol naman ang yumanig 68 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Lingig bandang 7:36 ng umaga. Ito raw ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol.

Pagkatapos nito, yumanig din ang isang magnitude 4.2 na lindol 67 kilometro ang layo sa hilgang-silangan ng Lingig. Ito rin ay isang aftershock ng naturang magnitude 6.8 na lindol, ayon sa Phivolcs.