Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur bandang 2:18 ng hapon nitong Sabado, Agosto 3.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 65 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.
Dagdag ng ahensya, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.
MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH