September 07, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng 5.2-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 5.2-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur bandang 11:17 ng umaga nitong Sabado, Agosto 3.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 70 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

Samantala, ayon sa ahensya, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH