Pormal nang naghain ng kasong pangmomolestya ang Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Biyernes, Agosto 2, kinumpirma na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagdulog ni Sandro sa kanilang tanggapan kasama ang ama nitong si Niño Muhlach.
Matatandaang noong Agosto 1 ay nakatanggap na ng formal complaint ang GMA Network mula sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors umano ng naturang network.
MAKI-BALITA: GMA Network, nakatanggap ng reklamo mula kay Sandro Muhlach
Ito ay matapos lumabas ang isang blind item sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 30, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?
Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach. Lalong lumakas ang kutob nila nang magbahagi ng mga makahulugang post ang pamilya at kamag-anak ng aktor.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo kung saan tampok ang tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” ng dalawang TV executives.
MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist
Sa kasalukuyan, hinihimok ng kampo nina Nones at Cruz na irespeto sana ng publiko ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu at huwag magpakalat ng mga walang basehang paratang.
MAKI-BALITA: GMA independent contractors sa kinasasangkutang isyu: 'Respect the investigation'