Humingi ng panalangin sa publiko ang dating child wonder na si Niño Muhlach matapos ang napakasama at kasuklam-suklam na ginawa umano sa anak niyang si Sandro Muhlach.
Sa Facebook post ni Niño noong Biyernes, Hulyo 3, sinabi niya ang dahilan kung bakit kailangan nila ang dasal ng mga tao para sa kanilang pamilya.
“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son,” pahayag ni Niño.
“We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system,” aniya.
Dagdag pa niya: “Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it."
Matatandaang noong Agosto 1 ay nakatanggap na ng fomal complaint ang GMA Network mula sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors umano ng naturang network.
MAKI-BALITA: GMA Network, nakatanggap ng reklamo mula kay Sandro Muhlach
Ito ay matapos lumabas ang isang blind item sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 30, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.
Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach. Lalong lumakas ang kutob nila nang magbahagi ng mga makahulugang post ang pamilya at kamag-anak ng aktor.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo kung saan tampok ang tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” ng dalawang TV executives.
MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist