December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Di pinalad maging konsehal noon: Rosmar, gustong maging congressman?

'Di pinalad maging konsehal noon: Rosmar, gustong maging congressman?
photos courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin/FB

Binalikan ng social media personality na si Rosmar Tan ang pagtakbo niya bilang konsehal sa Maynila no'ng 2022. 

Sa isang Facebook post, binalikan ni Rosmar ang post niya noong 2022 kung saan makikita ang campaign poster niyang tumakbo siya bilang konsehal ng District 4 sa Maynila. 

"Baka di ako para konsehal, baka para congresswoman ako? HAHAHA" saad ni Rosmar.

Sa isa pang post, naalala niya na buntis pa raw siya sa panganay niyang anak no'ng tumakbo siyang konsehal.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Naaalala ko buntis pa ako nito. Kaya di ako naka ngampanya kasi pinilit lang naman nila ako. Mindset ko naman dati matalo manalo tuloy pag tulong sa mga tao. Baka para congresswoman ako?" aniya. 

Samu't saring komento ang nakuha ni Rosmar sa mga post niya. 

Samantala, magtatapos sa Setyembre 30, 2024 ang voters registration para sa 2025 National and Local Elections.

Kung hindi ka pa nakakapagparehistro, basahin lamang ang artikulong ito para malaman ang proseso at anu-anong mga dokumento ang kailangang dalhin.

BASAHIN: ALAMIN: Proseso ng voter registration at ano ang mga kailangang dalhin

Ngunit kung na-deactivate naman ng Comelec ang iyong registration, maaari mo rin itong i-reactivate sa pamamagitan ng iRehistro ng Comelec.

BASAHIN: ALAMIN: Paano nga ba i-reactivate ang voter's registration record sa Comelec?