September 07, 2024

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental dakong 10:19 ng umaga nitong Sabado, Agosto 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 62 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cateel, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing pagyanig.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

Samantala, ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH