November 24, 2024

Home BALITA National

2 sa 11 nasawi sa sunog sa Binondo, miyembro ng PCG

2 sa 11 nasawi sa sunog sa Binondo, miyembro ng PCG
Photo: Arnold Quizol/MB

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Agosto 3, na miyembro nila ang dalawa sa 11 nasawi dahil sa nasunog na isang gusali sa Binondo, Maynila nitong Biyernes, Agosto 2.

Matatandaang nitong Biyernes ng umaga nang ihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na na-trap ang 11 indibidwal sa loob ng nasunog na commercial building sa 555 Nuevo Street sa Binondo. 

MAKI-BALITA: 11 indibidwal, patay sa sunog sa Binondo

Kaugnay nito, sa isang pahayag ay ipinaabot ng PCG ang kanilang pakikiramay sa naiwang pamilya ng kanilang dalawang personnel na sina Apprentice Seaman (ASN) Ian Paul Fresado at ASN Mark Hernandez.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Lumabas daw sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog dahil sa pagsabog ng LPG sa ground floor ng gusali.

“The two Coast Guard personnel were temporarily residing at the building as ‘boarders’,” anang PCG.

Naka-assign sa Marine Environmental Protection Command (MEPCOM) sina Fresado at Hernandez, na kapwa miyembro ng Coast Guardsman Course (CGMC) Class 105.

Dinala naman umano ang kanilang mga labi, kasama ng siyam na iba pang biktima, sa Batangas Sanctuary Funeral Home sa Abad Santos Avenue, Tondo, Manila, para sa proper disposition.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, nakikipag-ugnayan na ang kanilang Command sa pamilya ng dalawa nilang nasawing personnel upang magkaloob ng karampatang tulong sa mga ito.