November 24, 2024

Home BALITA National

PBBM, iginiit kahalagahan ng mga mamamahayag sa panahon ng 'fake news'

PBBM, iginiit kahalagahan ng mga mamamahayag sa panahon ng 'fake news'
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan ng pamahalaan ang mga mamamahayag upang matulungan ang mga Pilipinong malaman ang katotohanan sa panahong talamak ang “fake news” at “artificial intelligence.”

Sinabi ito ni Marcos sa kaniyang talumpati sa isinagawang panunumpa ng Association of the Philippine Journalists-Samahang Plaridel Foundation Inc. Board of Trustees nitong Biyernes, Agosto 2, na inulat ng Manila Bulletin.

"In this time of unregulated social media, of fake news, [and] artificial intelligence, now more than ever, we need your help in empowering our people to distinguish the truth from fiction, and facts from blatant lies," ani Marcos sa mga mamamahayag.

"You likewise help in holding public officers, including myself, accountable for our actions—recognizing our work when we do well, and pointing out shortcomings whenever our work does not measure up to our sworn duties," saad pa niya.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Hinikayat din ng pangulo ang mga mamamahayag na ipagpatuloy ang pagsusulong ng integridad sa kanilang propesyon.

Kasabay nito, ipinangako ni Marcos na patuloy na sisiguruhin ng administrasyon ang seguridad ng media workers at practitioners sa pamamagitan daw ng Presidential Task Force on Media Security.

"We will also foster an environment where members of the media can continue to freely practice their profession in a manner that is fruitful, rewarding, and meaningful," aniya.

Ang Samahang Plaridel ay isang asosasyon ng media practitioners at communications specialists na itinatag noong 2003 ng mga beteranong mamamahayag na may 20 taon nang karanasan sa naturang larangan.