November 27, 2024

Home BALITA National

'Kamiseta' CEO Cristina Aldeguer-Roque, itinalagang acting DTI secretary

'Kamiseta' CEO Cristina Aldeguer-Roque, itinalagang acting DTI secretary
DTI Acting Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque (Instagram)

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang 'Kamiseta' president at chief executive officer na si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang acting secretary ng kagawaran.

Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Agosto 2, sa kanilang Facebook post.

Bago maging acting DTI secretary, nagsilbi si Roque bilang DTI Undersecretary sa micro, small, and medium enterprises (MSME) development group.

Kung kaya't binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng DTI at ang pangangailangan ng mahusay na pamumuno.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

"The DTI plays a pivotal role in our nation's economic growth, particularly in supporting MSMEs," anang PCO. "He noted Roque's dedication and leadership in the MSME sector make her an excellent choice for the position."

Natapos ni Roque ang kursong  B.S. in Industrial Management Engineering, minor in Chemical Engineering sa De La Salle University. 

Bukod dito, ang bagong acting secretary ay kilala ring president at chief executive officer ng local clothing, skin clinic, and skin care brand na "Kamiseta."