November 24, 2024

Home BALITA National

'Di pagpigil ng gov't sa imbestigasyon ng ICC sa drug war, ikinatuwa ni Hontiveros

'Di pagpigil ng gov't sa imbestigasyon ng ICC sa drug war, ikinatuwa ni Hontiveros
Senador Risa Hontiveros (MJ Salcedo/Balita)

Ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros na “another win” para sa mga Pilipino ang naging pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi pipigilan ng pamahalaan ang International Criminal Court (ICC) sa pag-imbestiga sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi pipigilan ng pamahalaan ang ICC sa pag-interview nito sa mga suspek ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

“This is another win that we must guard closely and intently,” ani Hontiveros sa kaniyang solidarity speech sa isinagawang 9th National Congress ng Akbayan nitong Huwebes, Agosto 1.

Samantala, nanawagan din si Hontiveros kay Pangulong Bongbong Marcos na ibalik na ang partisipasyon ng Pilipinas sa ICC.

National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

“The Philippines has historically been at the forefront of advancing humanitarian law and international justice. And it is high time that we affirm our commitment to these values before the international community,” saad ni Hontiveros.

Isinagawa ng Akbayan ang 9th National Congress upang igiit ang positioning nito bilang “primary opposition political party” sa bansa, sa gitna raw ng paksyon ng Marcos-Duterte.