November 24, 2024

Home BALITA National

Bilang ng mga Pinoy na nasisiyahan sa performance ni PBBM, tumaas -- SWS

Bilang ng mga Pinoy na nasisiyahan sa performance ni PBBM, tumaas -- SWS
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Tumaas sa 5% ang bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan sa performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang punong ehekutibo ng bansa, ayon sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Biyernes, Agosto 2.

Base sa Second Quarter 2024 ng SWS, 55% daw ng mga Pilipino ang “satisfied” sa performance ni Marcos. Mas mataas ito kumpara sa 50% na natanggap niyang satisfaction rating noong Marso 2024.

Samantala, base rin sa pinakabagong survey ng SWS ay 28% naman ang hindi nasisiyahan sa performance ng pangulo, habang 15% ang undecided.

“Compared to March 2024, gross satisfaction with President Marcos rose from 50%, gross undecided fell from 19%, and gross dissatisfaction fell slightly from 31%,” anang SWS.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

“The resulting net satisfaction rating is +27 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as moderate (+10 to +29). This is a 7-point increase from the moderate +20 in March 2024, following a decline from the good +47 in December 2023,” dagdag nito.

Sa naturang bagong survey ay pinakamataas ang net satisfaction rating ni Marcos sa Balance Luzon sa +38 (good), sumunod ang Metro Manila sa +30 (good), Visayas sa +26 (moderate) at pinakamababa sa Mindanao sa +5 (neutral).

Isinagawa ang nasabing survey ng SWS mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas.