Nakapagbigay ng ilang detalye si Ogie Diaz sa naranasang "panghahalay" ng dalawang independent contractors ng GMA Network sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach, na naganap pagkatapos ng GMA Gala noong Hulyo 20.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?
Bago sabihin ni Ogie ang mga impormasyong nakalap niya, sinabi niyang sana raw ay hindi totoo ang mga ito dahil kung paninira lamang ito ay kawawa naman daw ang dalawang bading na nasasangkot, na pinangalanan na ngang sina Jojo Nones at Richard Cruz na pawang "independent contractors" nga raw ng network.
BASAHIN: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist
MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak
Ayon sa impormante ni Ogie, "internal" daw na pinag-usapan ng mga kampong sangkot ang nabanggit na insidente, kabilang na ang GMA Network para hindi na raw sana humantong pa sa pagsasampa ng kaso. Pero sa punto de bista naman ni Sandro, madaling mag-areglo ngunit hindi nakatitiyak na maayos talaga ang lagay ng aktor, lalo't bali-balitang nakaranas ito ng trauma dahil sa nangyari, bagay na idinaan na rin sa cryptic post ni Ogie.
"Sinasabi rito na-traumatize 'yong bata, 'yan nga ang nakarating sa akin, traumatized daw 'yong bata," giit ni Ogie.
Habang isinusulat ang artikulong ito at umeere ang Ogie Diaz Showbiz Update ay wala pa raw balita si Ogie kung anong hakbang ang gagawin ng tatay ni Sandro na si Niño Muhlach, na usap-usapan naman dahil sa pagpo-post ng tila pagbabantang tatapusin niya ang sinimulan ng mga hindi pinangalanang indibidwal.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
Ang dalawang beki raw na "gumalaw" kay Sandro ay nasa production department nga raw ng GMA Network.
Kung si Ogie naman daw ang tatanungin, kung siya raw ang magulang ni Sandro ay talagang aaksyon siya tungkol dito dahil kailangang magbayad sila sa kanilang ginawa. Puwede raw matanggal sila sa trabaho o kaya naman kasuhan at magkaroon ng hustisya, makulong at magbayad ng danyos. Bukod doon, kailangan daw ipaskil din ang mga mukha nila. Paglilinaw ni Ogie, iyan ay kung siya lang naman ang magulang.
Nakarating pa raw sa kaniya na ang isa sa dalawang beki ay matatanggal sa trabaho at ang isa naman ay hindi. Ang rason daw, akala raw ng dalawa ay "pa-booking" ang guy, na tumutukoy kay Sandro. Ang terminong "booking" ay pumapatungkol sa pagbabayad ng malaking halaga para lamang makasama ang isang tao at iba pang kapalit.
"Napagkamalang pa-booking 'yong bata, na hindi naman," sey pa ni Ogie.
Nagtataka naman si Ogie na kilala raw ng dalawa ang aktor kaya paano nila naisip na pa-booking ito; gayundin, ipagpalagay na ganoon nga, sapat daw bang painumin ito ng illegal substance?
Ang kuwento pa ni Ogie, pinapunta raw ng dalawa ang aktor sa kanilang inupahang hotel room, at nagpunta naman ito dahil wala ngang malisya sa part niya dahil "tito-tito" nga naman ang tingin niya sa kanila. Nakatanggap daw ng text message ang aktor na marami sila sa loob ng kuwarto kaya walang malisya nga itong nagpunta roon para maki-party. Pagdating sa kuwarto, wala raw ibang nadatnan ang aktor kundi ang dalawang inirereklamong beki.
Ayon pa sa kuwento, buti na lamang daw at may kumatok na nagdeliver ng wine sa kuwarto kaya nakatakbo ang aktor nang gawin na sa kaniya ang kahalayan.
Hangad ni Ogie na maayos ang seryosong gusot na ito at maibigay kay Sandro ang nararapat na hustisya para sa kaniya.
Samantala, sa latest update ng GMA Network ngayong Huwebes, Agosto 1, ay sinabi nilang pormal na silang nakatanggap ng reklamo mula sa kampo ni Sandro laban sa dalawang independent contractors.
MAKI-BALITA: GMA Network, nakatanggap ng reklamo mula kay Sandro Muhlach