Nakatanggap ng formal complaint ang GMA Network mula sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors umano ng naturang network.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Agosto 1, kinumpirma ng GMA Network ang naturang reklamo ni Muhlach laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, na pawang mga independent contractors nila.
Ayon sa GMA, nagsagawa na rin umano sila ng kanilang sariling imbestigasyon bago pa man magreklamo si Muhlach.
"GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz," anang network giant.
"Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint," dagdag pa nila.
"Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.
"The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality."
Matatandaang nakapaglabas na rin ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na blind item patungkol sa isang baguhang aktor na umano'y ginawang "midnight snack" ng dalawang TV executives na naganap sa isang malaking showbiz event.
BASAHIN: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist
Matatandaang isang blind item ang lumabas sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 3, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?
Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay si Sandro. Lalong lumakas ang kutob nila nang magbahagi ng mga makahulugang post ang pamilya at kamag-anak ng aktor.
MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak