December 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Buwis-buhay!' Babaeng guro, kinabiliban matapos walang takot na umakyat sa flagpole

'Buwis-buhay!' Babaeng guro, kinabiliban matapos walang takot na umakyat sa flagpole
Photo courtesy: Screenshots from Arlene Castillo (FB)

Humanga ang mga netizen sa video ng isang babaeng guro matapos niyang akyatin ang flagpole ng kanilang paaralan para sa flag ceremony na karaniwang ginagawang morning routine bago magsimula ang mga klase.

Makikita sa video ang walang takot na gurong si Carol Baro Figuro, 38-anyos, master teacher at apat na taon nang nagtuturo sa Savidug Elementary School, sa Sabtang, Batanes, na para bang kalahok sa palosebo, isang uri ng larong Pinoy na pag-akyat sa isang nakatirik na kawayan upang kunin ang banderitas sa tuktok.

Ibinahagi ang video ng punungguro ng paaralan na si Ma'am Arlene Castillo na nasa 12 milyon na ang views. Ang kumuha naman daw ng video sa kaniya ay co-teacher na si Ma'am  Llewellyn Almeyda. 

Facebook

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pero sa pagkakataong ito, inilagay ni Teacher Carol ang rope sa itaas para sa flag ceremony.

Sa panayam sa kaniya, bata pa lamang daw ay sanay na siyang umakyat ng puno ng niyog kaya wala na lang daw ito sa kaniya. Ayaw daw niyang i-asa sa mga bata ang panganib ng pag-akyat sa flag pole kaya siya na lamang daw ang gumagawa.

Bukod sa pag-akyat sa flagpole, kahanga-hanga rin ang dedikasyon ni Teacher Carol sa pagtuturo dahil bumabiyahe siya ng humigit-kumulang 14 na kilomentro para lamang makapasok sa paaralan.

Hangad naman ng mga netizen sa comment section na maging maingat sa mga susunod na pag-akyat sa flagpole si Teacher Carol upang hindi siya mapahamak, lalo na kung basa ang flagpole dahil sa pag-ulan.

Sa kaniyang Facebook post ay nagpasalamat naman ang guro sa lahat ng mga humanga at nagbigay ng encouraging words para sa kaniya. 

"Super overwhelmed po ako sa saludo at appreciation po ninyo sa simpleng act ko po, hindi lng naman po ang pag-akyat sa flagpole ang ginagawa ko na men's job for school and even po s bahay..I was so thankful po kay Lord for blessing me these talents na ginagamit ko naman po para makatulong po sa iba...super thank you po sa inyong lahat na sumaludo at nainspire po at thank you din po sa mga nagpaabot ng pagaalala sa akin...thank you po kay Principal Arlene R. Castillo at kay maam Llewellyn Almeyda sa na nagvideo ng pag akyat ko.." aniya. 

Super overwhelmed po ako sa saludo at... - Carol Baro Figuro | Facebook