November 23, 2024

Home BALITA National

Akbayan, nagdaos ng 9th Congress; nanindigang sila ang 'real opposition' sa halalan

Akbayan, nagdaos ng 9th Congress; nanindigang sila ang 'real opposition' sa halalan
Photo courtesy: Akbayan

Idinaos ang 9th National Congress ng democratic socialist political party na "Akbayan" ngayong araw ng Huwebes, Agosto 1, sa Palasyo de Maynila sa Malate, Maynila na dinaluhan ng mga miyembro nito mula sa oposisyon gaya nina Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales, dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan, human rights lawyer Chel Diokno, dating Congressman Jose Christopher "Kit" Belmonte, dating National Anti-Poverty Commission Secretary Joel Rocamora, Atin Ito Co-convenor Edicio Dela Torre, New Masinloc Fishermen Association President Leonardo Cuaresma, at iba pang mga lider mula sa sektor ng labor, women, youth, informal settlers, peasants, at allied sectoral organizations.

Dumalo rin sa nabanggit na pagtitipon ang 53 foreign guests mula sa sister party sa ibang bansa na pinangungunahan ni Giacomo Filibeck, Secretary General ng Party of European Socialists.

May temang "Atin ang Bukas," sinabi ni Akbayan President Rafaela David na nasa likod ang grupo ni Sen. Hontiveros na lone opposition senator sa ngayon.

"At this critical juncture, Akbayan, led by Senator Hontiveros, offers itself as a beacon of hope and progress for our nation," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"We are committed to challenging the entrenched dynastic duopoly that stifles true democracy and impedes the Philippines' path to inclusive development. We mark a renewed pledge to the Filipino people: that we will fight for a future where every citizen has a voice, and every community can thrive. Atin ang Bukas!"

Nanindigan din si David na sila ang "real opposition" at pangungunahan ni Hontiveros ang ticket ng oposisyon sa darating na 2025 midterm elections.

Kinilala rin bilang "Akbayani" ang Chairman Emeritus nitong si Etta Rosales dahil sa kontribusyon nito sa grupo at maging sa bansa.

Hindi nakadalo sa pagtitipon sina dating Senador Bam Aquino at dating Vice President Leni Robredo subalit nagbigay naman sila ng solidarity message sa pamamagitan ng video message.