December 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Larawan ng mga nanay na nakadungaw sa loob ng classroom, kinaaliwan

Larawan ng mga nanay na nakadungaw sa loob ng classroom, kinaaliwan
Photo courtesy: Hazel TC (FB)

Tila nanariwa sa alaala ng mga netizen ang larawang ibinahagi ng uploader na si "Hazel TC" matapos niyang ibida ang likod ng mga nanay na aniya'y nakatanghod sa bintana ng isang silid-aralan upang silipin ang mga chikiting nila sa unang araw ng balik-eskwela.

Tampok din ang larawang flinex ni Hazel sa official Facebook page ng GMA Public Affairs at morning show na "Unang Hirit."

Hazel TC - First day of school #firstday #kindergarten | Facebook

“Nakikita ko sarili ko sa inyong mga Mommies noong panahong nag-aaral pa mga anak ko," mababasa sa caption.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Marami naman ang naka-relate sa larawan at nagbahagi ng kanilang kuwento.

"Relate aqoh ,first day of school,mula umpisa hnggang uwian s klase umiiyak bunso qoh"

"Sa simula lang 'yan hahahaha, 'yong tipong nagkakadramahan pa kasi nag-iiyakan haha, pero kapag nasanay na sila, sila na mismo magtataboy sa iyo paalis haha."

"Teacher here! Hayaan nyo na. Yan ang tinatawag na motherly love. First day naman at hindi naman hanggang pagtapos ng taon andyan ang mga yan nakamasid. Eh ganyan din ako sa anak ko eh kahit teacher na ako."

"Relate na relate talaga Ako Jan noong kindergarten pa dalawa kung anak , ayaw akong paalisin umiiyak kapag Hindi Ako nakikita, kaya Sabi Ng teacher nila Jan nlang Po kayo mga nanay , Hanggang makabuo kame Ng dabarkads dahil sa aming mga anak Ang Bida sa aming pinagkwentuhan ay tungkol din sa aming mga anak Hanggang Ngayon college na mga anak Namin friends parin kame na mga nanay, Ng dahil sa aming mga anak "

"Kapag naalala ko kinder days ng anak ko, natatawa ako yung dumating sa point na nagtatago kasama ng ilan co mommy para hindi makita ni guard . Pero nasanay na rin in next level. Ngayon senior high na siya my eldest "

"Hindi ako relate Kase mga anak ko pagkahatid ko pinapauwi nila ako, Sabi uwi kana, Lalo na Yong panganay ko noon saling pusa siya 3years ayaw nya si silipin ko siya, babalik an ko Lang Pag out nila."

Ikaw, naka-relate ka ba sa post?