September 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak

'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak
Photo courtesy: Diane Abby Tupaz (FB)/Freepik

Galit na galit ang misis ng aktor na si Niño Muhlach na si Diane Abby Tupaz sa mga taong "nagwalanghiya" sa kanilang anak, na bagama't hindi pinangalanan, ay si Sandro Muhlach na baguhang aktor na tinutukoy raw sa isang blind item na pinagtangkaang halayin ng dalawang TV executives ng isang network.

Ngunit batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng GMA Network patungkol sa insidente ng kanilang hindi pinangalanang artist, ang mga suspek ay sinasabing "independent contractors" nila.

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Hulyo 31, sinabi ni Tupaz na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya at maturuan ng leksyon ang mga umano'y gumawa ng kababuyan sa kanilang anak.

Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

"PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!"

"HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA! WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!"

"SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA! ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!"

May hashtag ang post na #JUSTICESHOULDPREVAIL.

Samantala, maging ang kaniyang mister na si Niño Muhlach at kapatid nitong si Angela Muhlach ay naglabas din ng makahulugang post tungkol dito.

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'