Nagbitiw sa kaniyang tungkulin si Fred Pascual bilang Department of Trade and Industry (DTI) ayon sa Presidential Communication Office (PCO) na magiging epektibo sa Agosto 2.
Sa inilabas na pahayag ng PCO nitong Miyerkules, Hulyo 31, sinabi nilang nakipagkita umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Pascual upang tanggapin ang pagbibitiw at ang mahalagang serbisyong ibinigay nito sa ekonomiya ng Pilipinas.
“His focus on MSMEs was absolutely correct, and we are beginning to see the fruits of that policy. We are sorry to lose him, but we respect his decision that this is the time for him to return to the private sector," saad ng pangulo.
Sa huli, sinabi ni PCO na sisimulan na umano ng pamahalaan ang paghahanap ng magiging kapalit ni Pascual upang tiyaking mapunan agad ang nabakanteng tungkulin nito.