Isang special job fair ang inorganisa ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Embassy of Japan kung saan mag-aalok sila ng 25,000 na trabaho sa Japan para sa mga Pinoy na naghahanap ng trabaho.
Ang "Konnichiwa Pilipinas! Kumusta, Japan!” job fair ay gaganapin sa 3rd floor ng Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City sa Agosto 1, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
"Fifteen licensed recruitment agencies are expected to participate in the activity to offer jobs in the sectors of construction, medical and healthcare, hotel and restaurant, customer services, and others," saad ng DMW.
"The DMW and the Embassy of Japan aim to provide a venue for Filipino job seekers to access legitimate recruiters and to learn about gender dynamics and potential risks associated with overseas labor migration through short information sessions on Japanese-gendered work culture."
Ang mga aplikante ay maaaring magdala ng kanilang resume at valid ID.