November 22, 2024

Home BALITA National

Prof. Contreras, pinuna open letter ni VP Sara sa PNP chief: 'Ayusin po natin ang ating behavior'

Prof. Contreras, pinuna open letter ni VP Sara sa PNP chief: 'Ayusin po natin ang ating behavior'
photos courtesy: Prof. Contreras (Antonio P. Contreras/FB), VP Duterte (Inday Sara Duterte/FB)

Nagbigay ng sentimyento si Prof. Antonio Contreras tungkol sa open letter ni Vice President Sara Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil kaugnay sa ni-relieve na 75 tauhan ng PNP Police and Security Group sa Office of the Vice President (OVP).

Sa kaniyang ‘Punto De Vista’ sa PTV nitong Martes, Hulyo 30, pinuna ni Contreras ang open letter ni Duterte kay Marbil. 

“[…] May elemento po rito na hindi maganda. Sapagkat una, ang isang bagay na dapat ay opisyal ay parang naging napaka-informal sapakat ginawa na lamang parang open letter na pinost sa social media. At ito ay lalo pang pinatingkad ng ginamit na pag-address ng Vice President kay Chief Marbil ay tinawag lang niya itong Rommel. Napaka impormal,” saad ni Contreras. 

“Ngunit maliban sa porma at nilalaman, ang isa pang medyo nakakabahala rito ay ang tukuyin at paratangan ng Vice President ang nangyari bilang isang porma ng political harrassment. Alam naman po natin na ang PNP ay hindi ‘yan political arm ng gobyerno. 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Para sabihing ang nangyari ay isang political harassment, ay may ipinapahiwatig ang Vice President na mas malawak pa sa gusto niyang ipinta na ito’y isang bagay na nag-reduce ng kanyang security, na parang pinapalabas niya na ito ay mayroong conspiracy, isang part ng political harassment at dahil nga ang PNP ay hindi siya political arm ng gobyerno. Therefore, may isang gumagamit sa PNP? ‘Yon ang pinapahiwatig dito bagamat hindi ‘yon ang sinabi. Malaman ‘yung sinabi na political harassment,” pagpapatuloy pa ni Contreras. 

Sa huli, nanawagan si Contreras kay Duterte na panatilihin ang proper decorum at ayusin ang “behavior.” 

“Sana po ay iwasan natin itong mga ganito. Ito ay panawagan sa Vice President, dahil siya lamang ay nag-resign bilang DepEd secretary, na panatilihin po natin ang decorum. Ayusin po natin ang ating behavior. Ano po ang itinuturo natin na aral sa ating mga kabataan kung ganito tayo mag-usap sa mga kapwa opisyal?

“Mayroon po tayong mga hindi pinagkakasunduan, mayroon tayong hindi pinagkakaintindihan, ngunit may proper forum, may proper venue ng pakikipagtalastasan at iwasan natin ang lumikha ng kung ano pang suggestions na magkakaroon ng hindi lamang lamat sa ugnayan ng mga branches ng government, kundi lamat din sa ating seguridad sapagkat malalim, seryoso po ‘yung akusasyon na ginagamit ang PNP for political harassment, not just of an any official but of the Vice President. 

“Mag-ingat po tayo. Mag-behave po tayo sapagkat tayo po ay mga opisyal ng gobyerno.”

Matatandaang naglabas ng 4-page open letter si Duterte para kay Marbil kung saan in-address niya ang mga isyu at mga kasinungalingan umano nito tungkol sa pagbawi ng security team ng OVP. 

BASAHIN: VP Sara pinatutsadahan si PNP Chief Marbil: 'Batas ka lang, hindi ka Diyos'