November 24, 2024

Home BALITA National

Pabuya para sa makapagtuturo sa killer ni Mangayon, umabot na sa P100K

Pabuya para sa makapagtuturo sa killer ni Mangayon, umabot na sa P100K
Courtesy: DENR Davao/FB

“Hustisya para kay Mangayon.”

Umakyat sa ₱100,000 ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon upang matunton ang killer ng Critically Endangered Philippine Eagle na si Mangayon.

Matatandaang noong Hulyo 8, 2024 nang matagpuan ng mga sundalo ang nanghihina nang si Mangayon dahil sa tama nito ng baril sa kaliwang pakpak. Namatay raw siya kinagabihan sa Philippine Eagle Center, kung saan siya sinubukang gamutin ngunit hindi na nasalba dahil sa dami ng dugong nawala.

Upang mabigyan ng hustisya ang Philippine eagle, inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Davao noong Hulyo 19 na nag-aalok si Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga ng ₱50,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng bumaril kay Mangayon.

National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

MAKI-BALITA: P50K, pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa agilang si 'Mangayon'

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pa umano silang natatanggap na mahalagang detalye para hinggil sa pumaslang sa Philippine eagle. 

Dahil dito, nagdagdag daw si DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ng ₱50,000.

“Total bounty stands at ₱100,000 as the [DENR] and the Provincial Government of Davao de Oro expedite all efforts to locate the culprit of the heinous crime,” anang DENR Davao.

“Continuous efforts are being undertaken with law enforcement agencies to arrest the perpetrators, but we implore the aid of the public for vigilance and cooperation to speed up justice for Mangayon,” dagdag nito.

Para sa makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa nangyari kay Mangayon, maaari raw kontakin ang DENR-PENRO Davao de Oro sa pamamagitan ni Mr. Jhonitz King P. Isaac sa numerong 09276448394 o sa pamamagitan ng e-mail na [email protected].

“Justice for Mangayon, justice for the environment,” saad ng DENR Davao.