January 23, 2025

Home FEATURES Trending

Mga Bisaya, pumalag sa trending post ng pasahero tungkol sa debit card

Mga Bisaya, pumalag sa trending post ng pasahero tungkol sa debit card
Photo courtesy: Freepik

Hindi nagustuhan ng mga Bisaya ang laman ng trending Facebook post ng netizen na nagsabing hindi raw tinanggap ng isang nasakyang rider ng motorcycle hailing app ang pamasahe niya sa pamamagitan ng debit card.

Sa kaniyang trending na Facebook post, sinabi niya kasing ang rider na kaniyang tinukoy ay isang Bisaya dahil sa nasambit nitong salitang "unsa."

Sahil dito, nasabi ng pasahero na nakakatawa raw talaga ang mga Bisaya dahil parang hindi alam ng rider kung paano gumamit ng debit card, o kung alam ba nito kung ano ang debit card.

Mababasa sa kaniyang post na inalmahan ng mga netizen, "Bakit may mga driver na sorry sa word medyo aanga-anga? Kanina may na book ako na move it (pangalan ng isang motorcycle taxi services) tapos nung sa drop off ko na nung mag babayad na ako with my debit card hindi raw pwede yun? Is that possible? Like hello what if walang cash? Hindi lang ata marunong gumamit si manong or hindi lang talaga alam ano yung debit card? Hahaha bisaya talaga natatawa na lang ako."

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Makikita raw kasi sa option ng nabanggit na app na tumatanggap sila ng debit card.

Matapos makuyog ng kritisismo dahil sa kaniyang post ay naglabas ng clarificatory post ang nabanggit na netizen.

"This is my last statement regarding about sa issue na yang Move it. Look they accepting debit card kaya yung BDO DEBIT CARD ko yes BDO DEBIT CARD ko ang binigay ko kay manong for payment kaso lang mukhang hindi nya ata alam ano yung BDO DEBIT CARD ko hindi nya tinanggap kasi hindi raw yun pwede like hello? Look may nakalagay Credit or Debit card kayong mga bisaya na padpad dito sa manila please wag kayo dito sa BGC pa kalat kalat wag nyo dalhin dito pagiging anga-anga nyo. Thanks!"

Dahil patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng batikos, muling naglabas ng mas mahaba-habang pahayag ang pasahero. Sinabi niyang ito na raw ang huling beses na i-aaddress niya ang isyu. Ngunit sa halip na humingi ng paumanhin sa mga Bisaya ay sinabi ng pasahero na hindi niya talaga gusto ang mga Bisaya dahil maingay sila.

"Hello everyone!"

"Regarding about dito sa post ko I don’t have any problems naman sa mga bisaya usually I don’t like them cause so maingay! Sumakay ako ng move it kahapon Makati to BGC and according sa app pwede ang Debit/Credit for payment. Kaya hindi na ako nag dala ng cash, then nung nasa drop off na sa BGC nung mag babayad na ako using my BDO DEBIT CARD yes BDO DEBIT CARD and inabot ko kay manong yung card for payment na 56 pesos and manong told me na hindi daw sila tumatanggap ng BDO DEBIT CARD like hello? Sabi sa app pwede ang any card hindi na ako masyado nag sasalita that time cause I know manong don’t know how to use it or baka hindi pa sya nakakakita ng BDO DEBIT CARD then he said something like “ unsa “ so I know na BISAYA nga sya so hindi na ako nag taka na baka hindi nya talaga alam yung card ko na BDO DEBIT CARD gusto ko pa sana ipakita kay manong yung nakalagay sa app na pwede ang BDO DEBIT CARD kaso manong go away na kaya medyo na tawa talaga ako kasi may mga bisaya pala na hindi know ang DEBIT CARD hope it’s help guys."

Bianca Tan - Hello everyone! Regarding about dito sa post ko I... | Facebook

Kaya banat ng mga netizen, masyado raw "racist" at nagpapakita ng diskriminasyon ang nabanggit na post dahil hindi naman porke Bisaya ay "ignorante" na sa paggamit ng debit card at sa iba pang bagay.

"Yung puro bible verse yung sa profile mo pero yung ugali mo hindi nag reflect sa mga verse nasa profile mo. Christian by words but not in action."

"Grabe ka naman sa mga Bisaya 'day, eh baka mas may sipon pa utak mo kaysa sa mga Bisaya eh."

"If this is legit gusto kong ma-offend ako as Bisaya perooooo aw ambot nalang jud nimo Inday! Lord, bakit may ganitong pag-iisip pa sa mundo, ilayo nyo po ako sa kanila."

"Maingay mga bisaya? Hanep tong babae na ito! Baka tadyakan ka ng mga bisaya sa esophagus sa mga pinagsasabi mo!"

"ate, magbasa ka ng mga comments namin para marealize mo katangahan mo. Nagpost ka dba, panindigan mo yan."

MAKI-BALITA: Aanga-anga raw driver: Pasaherong nagbabayad sa rider gamit debit card, inokray

Sa pagsasaliksik ng mga netizen sa account ni Bianca, tila "poser" daw ito at talagang sinasadyang mang-inis sa kaniyang posts sa online community group na kaniyang kinabibilangan.