January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Magna cum laude na inialay sa naospital na nanay ang tagumpay, kinaantigan

Magna cum laude na inialay sa naospital na nanay ang tagumpay, kinaantigan
Photo courtesy: Eunice Ramilo (FB)

"I celebrated my graduation at the hospital…"

Humaplos sa puso ng mga netizen ang Facebook post ni Eunice Ramilo, magna cum laude graduate ng degree program na Bachelor of Science in Psychology ng San Pedro College sa Davao City, matapos niyang i-alay ang kaniyang parangal sa inang hindi nakadalo at hindi siya nasamahan sa pagmartsa at pagtanggap ng parangal matapos itong maospital.

Ayon sa post ni Eunice, pareho ang petsa ng kanilang graduation ceremony at kaarawan ng kaniyang Mama, na itinakbo sa ospital dahil sa iniindang karamdaman.

Kaya naman, sa ospital na naganap ang kanilang selebrasyon, at ang naging hiling ni Eunice ay walang iba kundi ang agarang paggaling at recovery ng kaniyang ina.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"My graduation day was the same day as my Mama’s birthday. It was when we got home from the ceremony that I received the news that Mama had been rushed to the hospital. She had a post-stroke seizure (she had a mild stroke before). She told me she was so overjoyed seeing me at the live video receiving my diploma and graduating with flying colors."

Mabuti naman daw at na-discharge na sa ospital ang kaniyang ina at nagpapagaling na. Hindi na nga raw sana siya magdiriwang ng kaniyang graduation dahil sa nangyari subalit mismong Mama niya ang humimok sa kaniya para ipagpatuloy ito.

"Plus, our whole family got together as it was supposed to be a double celebration: my graduation and her birthday. I was so overwhelmed, I asked God that I didn't want anything right now but my Mama. With His grace and faith, we were discharged yesterday. Thank you so much Lord for Mama’s recovery. I was hesitant about whether I should also post and celebrate my graduation, but Mama told me I should enjoy my wins. So, I think here it goes..."

Bahagi pa ng post ang testimonya ni Eunice na hindi naging madali ang buhay-college para sa kaniya, kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga taong naging support system niya para makamit ang pagtatagumpay, kabilang na ang kaniyang Mama.

Kasama rin sa binigyang-tribute niya ang pumanaw na ama noong 2020, na isinama niya ang larawan sa graduation photo.

"To Mama thank you for being so strong, thank you for regaining your strength. I know you are so proud of me mama and I love you so much. To Papa, I know you are here with me in spirit, and I miss you dearly. I wish you were here to celebrate with me, but I know you'd be incredibly proud. I will forever love you, Papa," aniya.

Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang Poong Maykapal sa lahat ng paggabay Niya sa kaniya.

"To Papa God, thank you for your ever-present guidance, not just during my triumphs, but throughout my life. I especially appreciate your presence when I had to make difficult decisions or faced moments of doubt. You've never let go of my hand, and I'm forever grateful for your love and support. Thank you everyone for being a part of this journey. I wouldn't be here without you all."

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang mga netizen na humanga sa ipinakita niyang katatagan at magandang disposyon sa kabila ng mga nangyari. 

"Such an inspiration, Ate Nice!!! Congrats so muchhh"

"Your papa in heaven is so proud of u! God bless u always, congrats!"

"Super proud of you for overcoming such obstacles! Congratulations, Ate Euniceee! gonna miss u sm."

"All of the struggles and worries really paid off! I love you so much and I’m so so proud of you!"

"Congratulations to my 1st baby! You deserve all the achievements. Always remember I'm here to help and guide you. Know that I am just a one call away person, and also remember that I am here willing to support you when you're down. I love you."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Eunice, sa ngayon daw ay nagpapagaling na ang kaniyang Mama, at siya naman daw ay naghahanap na rin ng trabaho. Sa katunayan, katatapos lamang ng kaniyang job interview nang maganap ang pangungumusta ng Balita sa kaniya.

Bukod sa trabaho, plano umano ni Eunice na kumuha na rin ng master's degree.

Congratulations, Eunice!