January 22, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Mga panganib na dala ng oil spill mula sa tanker vessel

ALAMIN: Mga panganib na dala ng oil spill mula sa tanker vessel
Photo Courtesy: PCO via MB (FB)

Sa gitna ng malakas na alon na dala ng bagyong Carina at habagat, lumubog ang 65-metre tanker vessel ng MT Terra Nova sa karagatan ng Limay, Bataan noong madaling-araw ng Huwebes, Hulyo 25, na naglalaman umano ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil, at posible raw na umabot sa Manila Bay.

Kaya naman nang makitaan ito ng senyales ng posibleng pagtagas ng langis, magdamag umano  nagsagawa ng retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG).

Inatasan din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Department of Environment and National Resources (DENR) para maghanda sa malawakang oil spill.

Nagtataglay ang naturang oil spill ng nakalalasong kemikal. At sa dalawang paraan ay maaaring maapektuhan ang mga hayop at halaman: sa mismong langis at sa magiging tugon o magiging cleanup operations nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa oras na magkaroon ng internal at external exposure ang organismo sa langis, magsisimula nang mapinsala ang anomang bahagi ng katawan nito. Posible itong makapagdulot sa tao ng malalang problema sa kalusugan tulad ng heart damage at pagkasira ng immune system na pwedeng humantong sa kamatayan.

Bukod sa pinsalang dala nito sa lamang-dagat at sa dagat mismo, maapektuhan din ang kabuhayan ng residente ng lugar at ang kanilang pagkain.

Ayon sa satellite image ng Philippine Space Agency (PhilSa) noong Biyernes, 5:40 ng umaga, Hulyo 26, makikita na umabot na sa 14.4 square kilometers ang lawak na sinakop ng langis na tumagas mula sa MT Terra Nova.

Kaya naman naglabas ang Department of Health (DOH) ng health advisory sa publiko sa pamamagitan ng Facebook post noong Hulyo 27 dahil sa panganib na dala nito hindi lang sa karagatan kundi pati sa kalusugan ng mga taong ma-eexpose rito.

“Mula sa Kagawaran ng Kalusugan at sa lahat ng sangay ng pamahalaan na kasalukuyang nagtutulungan, pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat,” abiso ng DOH.

Dagdag pa nila: “Siguraduhin na bukas ang inyong komunikasyon, maging alerto sa mga updates kung ano ang dapat at hindi dapat natin gawin sa mga panahong ito.”

Para sa mga volunteer, responder, clean-up worker, naglatag ang DOH ng tatlong paalala: Una, magsuot ng mga protective gear gaya ng gown, guwantes, bota, salaming de-kolor; ikalawa, hugasan ang may langis na damit at salaming de-kolor pagkatapos ng bawat operasyon ng paglilinis; ikatlo, itapon nang maayos ang ginamit na guwantes.

Samantala, para naman matiyak ang kaligtasan habang at pagkatapos ng oil spill sa apektadong lugar, narito ang mga dapat gawin: 

* Hugasan agad ng banayad na tubig at sabon kung nadikitan ng langis o tar ball ang balat.

* Pigilan ang mga alagang hayop na pumunta sa mga lugar na kontaminado ng langis

* Tiyakin na ang lahat ng basura, debri, tira-tirang bagay na apektado ng oil pills ay maitatapon sa maayos at tamang pamamaraan.

* Kung nakakuha ng langis sa damit, hugasan ito sa karaniwang paraan. Ngunit iwasang gumamit ng mga matatapang na detergent, solvents o iba pang kemikal.

At kung ang oil spills ay talagang malapit sa tahanan ng isang indibidwal, humanap ng pansamantalang matutuluyan habang hindi pa ito nakakalap. 

Pero kung hindi talaga maiiwasang lumikas, mahigpit na ipinaalala ang mga sumusunod:

* Huwag lumangoy sa mga lugar na apektado ng langis.

* Iwasang madikit sa sediment, buhangin, lupa, o mga bagay na kontaminado ng langis.

* Huwag gumamit ng tubig na kontaminado ng langis para sa pagkonsumo ng tao o hayop.

* Huwag kumain ng isda, molusko, at iba pang pagkaing-dagat na nahuli sa lugar na malapit sa oil spill.

* Huwag magsunog ng mga labi tulad ng mga basura o driftwood na kontaminado ng langis.

Samantala, nagbigay naman ng babala ang University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI) na posible umanong umabot ang sa Manila Bay ang oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova.

“An oil spill trajectory model was run to forecast the transport of the slick based on prevailing ocean currents and weather patterns. From the location of the oil slick based on the satellite image dated July 27, 6:07PM, oil may be transported to the following coastal areas and are projected to landfall at these times:

Noveleta, Rosario, Tanza - 7/29/2024 8:00AM

Naic - 7/29/2024 9:30AM

Ternate - 7/29/2024 1:00PM

Metro Manila - 7/30/2024 1:00AM

Models are generated to inform the public on the potential direction of transport of the oil spill and help direct response efforts on the ground. However, models have some levels of uncertainty due to assumptions and limitations, and thus, should be used with caution.”