Nagbigay ng reaksiyon ang dating senador na si Sonny Trillanes kaugnay sa inilabas na open letter ni Vice President Sara Duterte laban kay Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil ngayong araw ng Lunes, Hulyo 29.
Pinatutsadahan ni VP Sara si PNP Chief Marbil kaugnay sa ni-relieve na 75 tauhan ng PNP Police and Security Group na dating nakaatas para sa kaniyang proteksyon.
Sa isang Facebook post, naglabas ng 4-page open letter si Duterte para kay Marbil kung saan in-address niya ang mga isyu at mga kasinungalingan umano nito tungkol sa pagbawi ng security team ng Office of the Vice President (OVP).
MAKI-BALITA: VP Sara pinatutsadahan si PNP Chief Marbil: 'Batas ka lang, hindi ka Diyos'
Si Trillanes naman na kilalang kritiko ng mga Duterte ay naglabas ng post sa X kaugnay nito.
"The open letter of VP Sara is wrong on so many levels. But let me just summarize my conclusion: She's an entitled, privileged child having temper tantrums because her security detail was reduced fm almost 500 to 300."
"This shameful display of psychological instability clearly makes her unfit for VP. Imagine nyo na lang kung maging presidente yan. May TOPAK!" aniya pa.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni VP Sara kaugnay sa mga pinakawalang pahayag ni Trillanes.