December 26, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Talak ng service crew sa pinagbabawal na technique ng mga Pinoy sa fast food, usap-usapan

Talak ng service crew sa pinagbabawal na technique ng mga Pinoy sa fast food, usap-usapan

Mahilig ka bang kumain sa fast food chains na may unlimited rice? Ginagawa mo rin ba ang tinatawag na "pinagbabawal na technique?"

Usap-usapan sa social media ang rant post ng isang service crew sa isang online community group matapos niyang magbigay ng saloobin patungkol sa "nilalabag" na panuntunan ng mga customer kapag bumubili ng order na may unlimited rice sa isang sikat na chicken inasal fast food chain.

Aniya, nasa house rules talaga ng kanilang kompanya na bawal ang "sharing" ng unlimited rice sa mga magkakasamang kumain sa kanilang fast food chain. Ang ginagawa raw kasi ng iba, sa grupo ng mga magkakasama ay isa lang ang oorder ng meal na may unli rice, at lahat na sila ay makikinabang dito.

Dahil dito, "pikit-mata" na lamang daw ang mga empleyadong gaya nila sa ganitong klaseng kalakaran, dapat kapag sinita raw ang customers ay sila pa ang nagagalit.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Kaya panawagan niya sa customers na nasisita, "I hope you'll understand kapag nasisita namin kayo...sumusunod lang din po kami... at nagtatrabaho nang maayos."

"Hindi ho kami robot na walang mararamdaman kapag naninigaw at nagagalit kayo kapag hindi agad maibigay mga request n'yo kasi hindi lang ho isa, dalawa ang nag-uutos sa amin... I hope you'll understand na napapagod din po kami... pero laban lang," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ako aminado na pagkakaen kami sa Mang inasal, unli Rice asawa ko tapos ako hindi pero humihingi ako sa asawa ko ng kalahati. Nagsosorry naman ako sa crew na hindi ko kasi masusulit ang unli rice kalahati lang macoconsume ko. Humihingi din kami ng abiso muna kung pwede pag hindi , hindi namsn ako namimilit kasi naiintindihan ko pero wala pa naman ako naencounter na crew na nagdamot or humindi na bigyan ako ng kalahating kanin . Sorry na agad alam kong mali."

"Service crew rin ako b4 pero that time kasi walang unli rice.. pero normal tlga sa ibang pinoy na kung maka utos wala man lang pakisuyo, tulad ng sinabi mo para iwas argue hinahayaan nalng, kaya suggest ko lang sayu habang bata kapa gain ka lang ng experience at maghanap ng ibang work, at sa mga palautos at palasigaw jan sa mga crew pls be patient po pare-pareho lang tayu gsto mabuhay ng maayos sa mundo, pantay-pantay..peace "

"Kung may sapat nman po tayung Pera para bayaran ang unli rice gawin nalang po kesa gumawa ng pinagbabawal na teknik."

"karamihan talaga ganun ang ginagawa hehehe kaya respetuhin natin ang mga service crew nagtatrabaho lang sila ayon sa rules nila."

Photo courtesy: Bim Bim via Ronald Allan Lo/FB

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 16k reactions, 4.1k shares, at 989 comments.