December 23, 2024

Home BALITA

Paggamit ng wikang Filipino, 'wag lang iasa sa paaralan —Casanova

Paggamit ng wikang Filipino, 'wag lang iasa sa paaralan —Casanova
Photo Courtesy: MJ Salcedo (Balita File Photo)

Hinimok ng tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Arthur Casanova na magkaisa ang bawat Pilipino na gamitin sa araw-araw ang sariling wika.

Sa ginanap na press conference nitong Lunes, Hulyo 29, sa gusali ng Philippine Information Agency sa Quezon City, sinabi ni Casanova ang kakulangan ng mga Pilipino sa aksyon pagdating sa paggamit ng wikang Filipino.

“Dapat po magkaisa tayo, e. Matagal na po nating sinasabi na mahalin natin ang ating katutubong wika at mahalin natin ang ating pambansang wika. Ngunit kulang po tayo sa aksiyon,” saad ni Casanova.

“Gamitin po natin sa araw-araw. Gamitin po sa bahay dahil ang wika po ay unang natututuhan ng  mga kabataan sa kanilang tahanan. Huwag nating iasa ang lahat sa paaralan,” wika niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa niya: “‘Yong mga magulang, ‘yong mga nakatatanda, gamitin po natin ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika. Sapagkat ang mga katutubong wika po ay bahagi rin po ng ating nililinang sa Komisyon sa Wikang Filipino.”

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Casanova sa kaniyang binigkas na talumpati ang kahalagahan ng wika bilang “mapagpalaya.”

MAKI-BALITA: KWF, ipinaliwanag kahalagahan ng wika bilang 'mapagpalaya'

Samantala, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024, maglulunsad ang KWF ng limang serye ng webinar sa magkakaibang petsa sa susunod na buwan.

MAKI-BALITA: Limang serye ng webinar, ilulunsad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024