December 23, 2024

Home BALITA National

FSL, pinaplanong gamitin sa mga pagdinig sa korte

FSL, pinaplanong gamitin sa mga pagdinig sa korte
Photo Courtesy: KWF (FB), via MB

Ibinahagi ni Benjamin Mendillo Jr., komisyoner sa pangasiwaan at pananalapi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang plano ng nasabing ahensya na gamitin ang Filipino Sign Language (FSL) sa mga pagdinig sa korte.

Sa ginanap na press conference nitong Lunes, Hulyo 29, sinabi niyang nagpatawag umano ang kataas-taasang hukuman ng Pilipinas ng isang technical working group.

“Noong nakaraang buwan ay nagpatawag ang kataas-taasang hukuman ng Pilipinas ng isang technical working group upang balangkasin ang paggamit ng Filipino Sign Language sa mga korte,” lahad ni Mendillo.

“At ito po ay isang mapanghawan na gawain ng komisyon sapagkat bago lang din po ang Filipino Sign Language Act. Sapagkat marami tayong mga bingi na kapatid na…sila po ay biktima ng karahasan, kainhustisyahan,” aniya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Dugtong pa niya: “Dahil wala silang access sa korte, nag-develop ang Korte Suprema ng paraan upang sila ay matugunan sa kanilang mga problemang legal. At sila po ngayon ay gumagawa ng isang rules in the Filipino Sign Language in the court.”

Kaya naman sa isang bahagi ng kumperensiya, nanawagan din si Mendillo na huwag lang sanang limitahan sa paaralan ang paggamit ng wikang Filipino.

MAKI-BALITA: Huwag lang sa paaralan: Wikang Filipino, gamitin din sa propesyon -- KWF