December 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Rhian Ramos, pinuri sa pagganap sa 'Pulang Araw'

Rhian Ramos, pinuri sa pagganap sa 'Pulang Araw'
Photo Courtesy: Screenshot from Netflix (YT)

Kumakalat sa social media ang isang video clip ni Kapuso star Rhian Ramos mula sa eksena nito sa historical-drama series na “Pulang Araw.”

Sa naturang video clip, mautunghayan kung paano kinompronta ng karakter ni Rhian na si Filipina ang mga magulang ng mga batang umaasar sa dalawa niyang anak.

“Grabe napatayo ako sa aking kinauupuan at napapalakpak sa eksenang eto ni Rhian Ramos!!! Napakahusay! Lalo na nung sinigaw nya na, ‘Gawin mo....’” saad sa caption ng post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

"GandaSana wag igaya sa nakakabwiset na Abot Kamay na Pahirap "

"Ganito kasi talaga dapat! Deserve ng mga artista natin at ng mga writers ang ganitong production. Tama na sa mga remake remake."

"Naiiyak ako sa scene na toh bilang nanay kasi ang sakit na gawin yun sa mga anak ko lalo na kung nasa akin ang pagkakamali (example: kerida sya, so hindi kasalanan ng mga bata na maging bunga pero sila ang sumasalo ng kasalanan dahil sa pangungutya), kahit talaga patayan kapag mga anak ang kinante hindi uurong ang mga ina. Apaka galing ni Ms Rhian "

"Woooow excited ako panoorin s lunes...parang feeling ko naglakbay ako sa panahon nila...yan ang gusto ko talaga panoodin mga history ng pilipinas...."

“That little girl and Rhian Ramos ate this first episode. Rhian really ate her assignment l, left no crumbs and stood out, slow clap for this actress. I hope she will part of many episodes pa ”

“grabi sa research yung gma gumawa ng drama na pang history constabularya ba nmn napa google din kayo pinag-isipan talaga yung bawat bitaw ng linya like maria clara ”

"The best scene so far! Kindly fix some CGI scenes. over all good first 2 episodes!"

Kasalukuyan nang mapapanood ang “Pulang Araw” sa Netflix simula pa noong Biyernes, Hulyo 26. Pero sa Hulyo 29 ay matutunghayan na rin ito sa free tv.

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang nasabing historical drama matapos ilabas ng GMA Network ang 11 minutes trailer nito.

MAKI-BALITA: 'Tumataas balahibo ko!' Trailer ng 'Pulang Araw,' pinag-uusapan