November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagtakbo ni Dingdong Dantes bilang senador, matutuloy nga ba?

Pagtakbo ni Dingdong Dantes bilang senador, matutuloy nga ba?
Photo Courtesy: Dingdong Dantes (FB)

Muling napag-usapan ang posibilidad ng pagtakbo bilang senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa darating na mid-term elections sa 2025.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Hulyo 27, iniulat ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera sa mga nasalanta ng habagat at bagyong Carina.

“Dahil nga ‘di ba itong si Dingdong e sa Navy. So, tawag ng tungkulin ‘di ba. So, tumulong siya do’n sa operation ng GMA Foundation. Pero itong si Miss Marian kitang-kita natin do’n sa video at picture nag-repack sila…ng relief goods,” saad ni Mama Loi.

Tanong tuloy ni Dyosa Pockoh sa showbiz insider na si Ogie Diaz: “Tito Ogie, tunay kaya ‘yong nabalitaan ko na tatakbo raw si Dingdong sa election?”

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Pero sinaway ni Ogie ang kaniyang co-host na isantabi muna raw ang politika dahil baka ang intensyon lang naman umano ng mag-asawa ay makatulong talaga sa kapuwa.

“Althoug nasa survey siya ng senate. Kahit nando’n siya sa ilalim, the mere fact na binabanggit ang pangalan niya, malay naman natin. Who knows?” aniya.

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagkandidato ni Dingdong kasama ang dalawa pa niyang kapuwa artista na sina Vice Ganda at Angel Locsin.

MAKI-BALITA: Panapat sa tatlong Duterte? Vice Ganda, Angel, Dingdong pinatatakbong senador