December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Kontrobersyal na 'mockery' ng drag artists sa Olympics, hindi raw 'Last Supper'

Kontrobersyal na 'mockery' ng drag artists sa Olympics, hindi raw 'Last Supper'
Photo courtesy: The Olympic Games (X)

Hindi raw "The Last Supper" ni Leonardo Da Vinci na nagpapakita ng huling hapunan ni Jesus Christ sa kaniyang mga alagad ang nais ipakita ng ilang drag artists sa naganap na opening ceremony ng Paris Olympics 2024, kundi si Greek God Dionysus at ang festival na "Bacchanalia" na associated din sa katumbas naman niya sa Roman mythology na si Bacchus, god of wine.

Mababasa iyan sa mismong X post ng "The Olympic Games."

"The interpretation of the Greek God Dionysus makes us aware of the absurdity of violence between human beings," mababasa rito.

Photo courtesy: Screenshot from The Olympic Games (X)

Paliwanag naman ng isang netizen na si Mara Chua, nakapagtataka raw kung saan nakuha ang ideya ng mga karamihan ng netizens na "The Last Supper" ang inspirasyon ng nabanggit na akto.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Ang tamang reference daw ay ang pintang "Les Romains de la Decadence" ni Thomas Couture noong 1897.

Mababasa sa kaniyang post, "mga tanga..eto yung tamang reference. si Dionysus more popularly known for his Roman iteration, Bacchus and the festival associated with Bacchus, the Bacchanalia... a festival which predates Jesus and the last supper by at least 200 years. ambobobo. pucha.magbibilang nalang di pa magawa ng maayos. 12+ 1 ba yung dami ng tao na nasa picture?!? allergic talaga me sa mga low IQ. (painting: les romains de la decadence, thomas couture, 1847)."

Matatandaang marami sa mga Katoliko at Kristiyanong netizens ang pumalag sa nabanggit na opening ceremony ng Paris Olympics 2024.

MAKI-BALITA: 'Mockery' ng Last Supper sa Paris Olympics 2024, sinalubong ng kritisismo