Isa pang motor tanker ang lumubog sa Bataan, ang probinsya kung saan lumubog ang MT Terranova habang may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil (IFO), ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, Hulyo 28.
Kinilala ng tagapagsalita ng PCG na si Rear Adm Armando Balilo ang pangalawang lumubog na tanker na MTKR Jason Bradley.
Lumubog daw ang MTKR Jason Bradley sa baybayin ng Bargy. Cabcaben sa Mariveles, Bataan nitong Sabado, Hulyo 27.
Hindi pa matukoy ang mga detalye kung bakit at paano lumubog ang MTKR Jason Bradley, ayon kay Balilo.
“There‘s a second tanker that sank off Cabcaben in Mariveles, Bataan. We only received a report about the incident yesterday and we verified it. Diving operations were conducted and it was confirmed that a motor tanker sinks in the area,” ani Balilo.
“We have no further details but one of our vessels went to the area and installed oil spill boom because oil sheen was already spotted,” dagdag niya.
Samantala, sinabi ni Balilo na hindi humingi ng clearance ang barko sa Coast Guard Station Bataan bago ito maglayag.
“We have no details about its origin,” aniya.
Ang malinaw raw ay walang cargo fuel sa MTKR Jason Bradley at isasagawa kaagad ang salvage operations para makuha ang barko.
“Salvage operations will be done in two weeks,” ani Lt. Commander Michael John Encina, tagapagsalita ng PCG National Capital Region-Central Luzon.
Samantala, inilipat naman sa Martes, Hulyo 30, ang schedule para sa pagsipsip ng langis mula sa MT Terranova sa ground zero ng baybayin ng Limay, dahil nalaman daw ng mga diver mula sa maritime service provider na Harbour Star Shipping Services na may mga pagtagas sa ilalim ng tubig mula sa mga tangke na nagdadala ng IFO. Ang pagsipsip ay dapat na magsisimula ngayong Linggo.
“The divers found out that there are nine valves leaking from MT Terranova. The order from [PCG Commandant] Admiral [Ronnie Gil] Gavan and as per guidance from the President [Marcos Jr.] is to seal the valves before the siphoning operation starts to prevent further leak,” ani Balilo.
Sinabi rin ni Balilo na inaasikaso na ng mga diver ang pagtatakip ng mga balbula at natapos na raw ang paglalagay ng pangalawang layer ng sealant bandang 10:42 ng umaga nitong Linggo. Sa Lunes, Hulyo 29, ang target para sa pagkumpleto ng sealing ay.
“As of press time, Harbor Star divers continue to monitor the status of the nine valves and will conclude their operations after confirming absence of IFO leakage on board,” saad ni Balilo.
Kinumpirma rin ng PCG na nakarating na sa Bulacan ang oil spill mula sa MT Terranova dahil na-monitor umano ang oil sheen apat na kilometro lamang ang layo mula sa baybayin ng Hagonoy.
"We can confirm that report. Our people on the ground are also attending to the reported oil spill in Hagonoy," saad ni Balilo.
- Martin Sadongdong