November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Eruption, nag-react sa 'mockery' ng drag artists sa Paris Olympics 2024

Eruption, nag-react sa 'mockery' ng drag artists sa Paris Olympics 2024
Photo Courtesy: Eruption (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang dating “It’s Showtime” host na si Eric "Eruption" Tai hinggil sa “mockery” umano sa Last Supper sa ginanap na opening ceremony ng Paris Olympics 2024.

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Hulyo 27, sinabi niyang excited umano siyang manood ng Olympics ngunit tila nawala iyon nang makita niya umano ang panggagaya ng ilang drag artists sa sikat na "The Last Supper" mural painting ni Italian High Renaissance artist Leonardo da Vinci.

“I was excited watching the Olympics.. UNTIL I SAW THIS???? And there is a child there too!!! WHYYY???” saad ni Eruption.

“As a national athlete and follower of Jesus Christ, it is a disgrace to see such evil displayed publicly! Especially at a prestigious world celebrated event like the Olympics,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa niya: “This is absolutely nerve racking and heart breaking! The world lost today! ”

Pero nilinaw naman ng The Olympic Games na hindi raw tungkol sa huling hapunan ng mga alagad ni Kristo ang ipinapakita sa ginawa ng mga drag artist sa naturang opening ceremony kundi ang Griyegong diyos na si Dionysus na katumbas ni Bacchus sa mitolohiyang Romano.

MAKI-BALITA: Kontrobersyal na 'mockery' ng drag artists sa Olympics, hindi raw 'Last Supper'