November 25, 2024

Home BALITA

DOTr-MRT3, heightened alert sa pagbubukas ng klase sa NCR

DOTr-MRT3, heightened alert sa pagbubukas ng klase sa NCR
Photo courtesy: MB File Photo

Naka-heightened alert na ang Department of Transportation -Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) kasunod nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Sa abiso ng DOTr-MRT3, ikinasa na nila ang Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela 2024.

Ayon sa DOTr-MRT3, sinimulan nilang itaas ang heightened alert sa buong linya ng MRT-3 nitong Sabado, Hulyo 27, at magtatagal ito hanggang sa Agosto 3, Sabado.

Layunin anila nitong matiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

“Para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo, itataas sa heightened alert ang seguridad ng buong linya ng MRT-3 mula ngayong araw, Hulyo 27, hanggang Agosto 3,” abiso ng pa ng DOTr-MRT3.

Nabatid na sa ilalim ng heightened alert, nakaantabay ang mga security at station personnel ng linya upang umagapay sa mga pangangailangan ng mga pasahero, lalo iyong mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Magpapatupad rin umano sila ng regular operating hours kung saan ang unang biyahe ng tren ay 4:30AM mula sa North Avenue Station sa Quezon City at 5:05AM naman mula sa Taft Avenue Station sa Pasay City.

Samantala, ang huling biyahe naman ng tren ay 9:30PM sa North Avenue Station at 10:09PM naman sa Taft Avenue Station.

Ang klase sa bansa ay nakatakdang magbukas ngayong Lunes, Hulyo 29, ngunit una nang nagpasya ang Department of Education (DepEd) at local government units sa ilang lugar, na ipagpaliban ang balik-eskwela dahil sa epekto ng bagyong Carina at Habagat.

Sa datos ng DepEd, hanggang 8:00PM ng Hulyo 27, Sabado, ay aabot na sa 225 public schools sa NCR ang hindi muna magbubukas ng klase ngayong Lunes upang makapaglinis at maisailalim sa rehabilitasyon.