Nakapasok na sa finals ng all-around, floor exercise, at vault events ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo matapos magpamalas ng husay sa kaniyang performance sa naganap na men’s artistic gymnastics sa naganap na Paris Olympics 2024 sa Bercy Arena Sabado, Hulyo 27.
Pasok si Yulo sa all-around finals matapos makakuha ng score na 83.631. Pumangalawa naman siya sa qualification round ng floor exercise matapos maka-iskor ng 14.766 puntos, ang event/apparatus kung saan siya ay dating world champion noong 2019, at kung saan siya ay kasalukuyang three-time Asian champion.
Nasungkit naman niya ang ika-19 na pwesto sa parallel bars (14.533), ika-27 sa horizontal bar (13.466), ika-40 sa pommel horse (13.066), at ika-49 sa rings (13.000).
Ayon sa panayam, pinili ni Yulo na magpaka-playsafe muna sa qualification round upang iwas-injury at magtuloy-tuloy ang magandang performance sa finals.