January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Netizens nag-react sa pagkakamot ni Andi Eigenmann habang nagse-serve ng inumin

Netizens nag-react sa pagkakamot ni Andi Eigenmann habang nagse-serve ng inumin
Photo courtesy: Screenshots from Alvin Lopez (FB)

Naging usap-usapan sa social media ang isang video kung saan makikita ang aktres na si Andi Eigenmann na nagmi-mix at nagsisilbi ng drinks sa customers ng coffee shop sa Siargao.

Ang napansin ng mga netizen ay ang pagkakamot daw ni Andi sa kaniyang braso habang ginagawa ito.

Bukod dito, pinansin din ng mga netizen na naka-sleeveless at wala man lang daw suot na hair net o mask ang aktres.

Depensa ng uploader ng video na si "Alvin Lopez," nang kuhanan niya ng video si Andi at i-post ito sa kaniyang Facebook account at wala siyang intensyong punahin ang pagkakamot nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Facebook

"For the information of everybody, I have no idea about sa pag scratch ni Andi dahil nakafocus ako sa maganda nyang muka and nakalinya ako para umorder di ko napansin yun kamay nya and wala naman issue sakin talaga , kami ngang mga uminom nya walang reaction , to all viewers and nagcocomment paki control nlng mga sinasabi nyo , Just visit siargao nlng and meet andi and tell her mga kuda nyo. I have no intention na ipakita ang pagkamot nya nataon lang," anang uploader.

Ngunit huli na ang lahat dahil nakapagbigay na nga ng komento ang mga netizen sa comment section.

"Hinding hindi mo ako mapapabili ng pagkain pag ang ng si-serve naka sleeveless. Wala na ngang hairnet, nka sleeveless pa, at may kasama png kamot. Hahahaha.kahit na sino pa yan sila. Except kung kapamilya ng siserve pwde pa."

"Alam kong diko deserves mag inarte, at di naman ako maganda pero ung pagkakamotan ako ng harap harapan at ganan ang suot.. wag na lang magkape"

"Bagsak yan pag sa hotel or restaurant industry dapat nka gloves, face mask, hairnet, ska nka apron."

"Daming arte ng mga tao rito, akala naman hindi sila yung pinulot yung food na nahulog sa sahig tapos kinain ulit, huwag nga kami!"

"If you are in the food industry, it's non-negotiable that the service crew/staff are presentable and exemplify cleanliness. Hindi sa pag-iinarte na napuna sya. It's a standard we should uphold because paying customers deserve the best. We should demand what is expected of them, no excuses."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Andi tungkol sa isyu.