December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Misis ni Michael De Mesa, rumesbak sa mga okray sa mister matapos ma-stranded

Misis ni Michael De Mesa, rumesbak sa mga okray sa mister matapos ma-stranded
Photo courtesy: Michael De Mesa, Julie Eigenmann (IG)

Ipinagtanggol ni Julie Eigenmann ang kaniyang mister na aktor na si Michael De Mesa matapos ang insidente ng pagka-stranded nito habang nasa loob ng kotse, sa kasagsagan ng matinding pagbaha dulot ng pananalasa ng super bagyong Carina, na sinamahan pa ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa update ni Michael, halos 22 oras siyang nasa lansangan bago tuluyang nahila ang kaniyang sasakyan ng tow truck. Galing umano siya sa taping ng isang proyektong hindi na niya binanggit kung ano.

"Packed up at 2:30pm and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier. It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today," ani Michael sa kaniyang Instagram post.

"Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home," saad pa niya sa isang Instagram post.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa latest update, nakauwi na umano si Michael sa kanilang bahay.

"Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing! A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages. I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations. Stay safe, everyone."

Sa Threads account naman ni Julie, pinalagan niya ang ilang netizens na nag-iiwan ng rude comments tungkol sa pagkaka-stranded ng mister.

"The comments on this post. I understand that others are facing far more difficult situations, but that doesn't diminish the distress he, a senior, is experiencing right now. We should show empathy and support to everyone affected by the typhoon—human or animal. Let's remember to be kind to one another, guys," ani Julie sa kaniyang post.

Photo courtesy: Julie Eigenmann (Threads)