November 24, 2024

Home BALITA National

Matapos pagbitiwin sa PDP: Tolentino, sinabihan si Padilla na pagtuunan 'Carina'

Matapos pagbitiwin sa PDP: Tolentino, sinabihan si Padilla na pagtuunan 'Carina'
MULA SA KALIWA: Sen. Francis Tolentino at Sen. Robin Padilla (Photo courtesy: Padilla/FB)

Sinabihan ni Senador Francis Tolentino si Senador Robin Padilla na unahin ang mga biktima ng bagyong Carina kaysa politika matapos nitong imungkahi sa kaniyang magbitiw na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Sa isang pahayag nitong Sabado, Hulyo 27, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Tolentino kay Padilla na mas mabuti raw kung magtulungan na lamang sila para sa mga nasalanta ng bagyo kaysa pag-usapan ang politika.

“Sa panahong ito, huwag muna tayong mag-usap patungkol sa politika; mas mainam magtulungan tayo para sa ating mga kababayan na naging biktima ng bagyong Carina,” ani Tolentino.

Matatandaang noong Huwebes, Hulyo 25, nang imungkahi ni Padilla, bagong pangulo ng PDP, kay Tolentino na magbitiw na ito bilang party vice president for Luzon at miyembro ng kanilang partido.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Giit ni Padilla, mas makabubuti umano ang pagbibitiw ni Tolentino sa PDP upang matutukan nito ang kaniyang mga responsibilidad bilang Senate majority leader, at upang maiwasan daw ang pagkuwestiyon sa kanilang pagtugon sa mga isyu sa bansa, lalo na sa usapin ng politika.

“Sa ganang akin po lamang, ang mungkahing ito po ay upang maiwasan din natin ang pagkuwestiyon, kung magkakaroon man, sa ating pagiging patas sa pagtugon sa mga isyu, lalo sa mga usaping pampulitikal,” ani Padilla kay Tolentino.

MAKI-BALITA: Robin Padilla, pinagbibitiw si Francis Tolentino sa PDP

KAUGNAY NA BALITA: Pimentel, 'di maintindihan ba't pinagbibitiw ni Padilla si Tolentino sa PDP