November 25, 2024

Home BALITA

Lalaking na-trap sa barge na inanod sa ilog Pasig, nasagip na

Lalaking na-trap sa barge na inanod sa ilog Pasig, nasagip na
Photo courtesy: Screenshot from Train Lord (YouTube)

Matagumpay na nasagip ng mga awtoridad noong Huwebes ng madaling araw, Hulyo 25,  ang isang lalaki, na na-trapped sa loob ng isa sa mga barge na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Pasig City, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat.

Ang biktima, na hindi pa pinangalanan, ay isinugod na sa pagamutan para sa medical check-up matapos na mailigtas dakong alas-12:43 ng madaling araw ng Huwebes, sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Pasig Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Quezon City.

Ayon kay Bryant Wong, pinuno ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng Pasig City, dakong alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules nang makatanggap sila ng report na isang lalaki ang na-trapped sa loob ng isa sa mga barge, na nasa gitna ng ilog, na bumangga sa F. Manalo Bridge.

Nabatid na ang mga naturang barge ay inanod mula sa Brgy. Barangka sa Marikina City ng malakas na agos ng ilog Pasig dakong alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkules habang kasagsagan ng malakas na ulan.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Nasa 20 tao ang una na umanong nasagip sa naturang insidente ngunit hindi kaagad nailigtas ang biktima at may walong oras ding na-trapped sa loob ng barge bago tuluyang na-rescue.

Ani Pasig City Mayor Vico Sotto, nagtagal bago masagip ng mga awtoridad ang biktima dahil naging pahirapan ang pagsagip sa biktima at kinailangan pang patayin ang kuryente sa lugar upang maiwasan ang posibleng pagkakuryente.