January 09, 2025

Home BALITA Metro

Mayor Abby, nagsalita hinggil sa 'Gil Tulog Ave' sign sa Makati

Mayor Abby, nagsalita hinggil sa 'Gil Tulog Ave' sign sa Makati
Photo courtesy: My Makati; Tom Berenguer (Facebook)

“Kung dumaan sa akin 'yan, rejected 'yan agad.”

Kinondena ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagpapalit ng street sign na Gil Puyat Ave. sa "Gil Tulog Ave.” sa siyudad, at sinabing hindi ito dumaan sa kaniyang opisina.

Naging usap-usapan sa social media ang viral Facebook post ng netizen na si "Tom Berenguer" matapos niyang ibahagi ang napansin daw niyang ang pangalang ng "Gil Puyat Avenue" ay ginawa nang "Gil Tulog."

MAKI-BALITA: Di na puyat! Gil Puyat Ave. sa Makati, 'Gil Tulog' na?

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 26, iginiit ni Binay na kung dumaan daw sa kaniya ang naturang signage para sa advertising campaign ay hindi niya ito papayagan.

“It is unfortunate that the request for a permit for the so-called advertising campaign to change the street signs of Gil Puyat Avenue did not reach my office. Kung dumaan sa akin yan, rejected yan agad,” ani Binay.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang alkalde sa pamilya ni dating Senate President Gil Puyat, at iniutos na raw niya ang pag-alis ng naturang “Gil Tulog Ave.” signage.

“The city officials who issued the permit should have exercised prudence. They should have been more thorough. Dapat inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter. At dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat. I have already reprimanded these officials for this glaring oversight,” saad ni Binay.

“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan at sa pamilya ni dating Senate President Puyat. These signs have been taken down on my instruction,” dagdag pa niya.

Base sa tala ng opisyal na website ng Senado, si Puyat ay nagsilbi bilang senador mula 1951 hanggang 1973, at naging Senate president sa loob ng anim na taon. Pumanaw siya noong 1980.