November 23, 2024

Home BALITA Metro

Manila Mayor Honey Lacuna, may SOCA sa Martes

Manila Mayor Honey Lacuna, may SOCA sa Martes
Manila Mayor Honey Lacuna (File photo)

Nakatakdang idaos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kaniyang ikalawang State of the City Address (SOCA) sa Martes, Hulyo 30, 2024.

Ayon kay Manila public information office head at spokesperson Atty. Princess Abante, inaanyayahan ang lahat ng news at social media outlets para saksihan ang naturang kaganapan na idaraos dakong alas-2:00 ng hapon sa PICC Forum Tent.

Naka-livestream din naman aniya sa social media accounts ng Manila PIO at Office of the Mayor ang naturang SOCA.

Inaasahang aabot sa 1,000 indibidwal ang dadalo sa SOCA, kung saan inaasahang iuulat ni Lacuna ang iba't ibang mga nagawa ng lokal na pamahalaan at ilalatag ang kaniyang mga plano para sa Maynila.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Samantala, pinasalamatan at pinuri naman ni Lacuna si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito noong Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay Lacuna, tugma ang ilan sa mga tinalakay ni Marcos sa kaniyang tuluy-tuloy na mga programa para sa mga residente ng Lungsod ng Maynila.

"The emphasis of the President on public employment service offices (PESOs), 4Ps, and programs for seniors and persons with disability (PWDs) indeed mirror our goals and vision for all Manileños," anang alkalde.         

Aniya pa, "We look forward to the corresponding national laws, national budget and an increase in the National Tax Allocation share of Manila, so that we can do more and carry out all our programs geared toward a 'Magnificent Manila' in 2030."