January 09, 2025

Home BALITA Metro

Manila Archdiocese, magsasagawa ng 'fundraising drive' para sa mga biktima ng 'Carina'

Manila Archdiocese, magsasagawa ng 'fundraising drive' para sa mga biktima ng 'Carina'
(Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula via CBCP News; Manila Bulletin photo)

Magsasagawa ang Manila Archdiocese ng fundraising drive para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa bagyong Carina at southwest monsoon o habagat.

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mahigit 90 parokya at mission stations upang magsagawa ng second collection sa lahat ng banal na misa, simula sa Sabado ng gabi, Hulyo 27, at sa buong maghapon ng Linggo, Hulyo 28.

Kasabay nito, hinikayat din ni Advincula ang mga mamamayan na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng bagyo.

“My heart and prayers go out to all those affected by the heavy rain and flooding,” ani Advincula.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Pinasalamatan din ng kardinal ang mga simbahan at mga tahanan na magbukas ng kanilang pinto para sa mga biktima ng bagyo.

“The solidarity among Christians is deeply felt in times like these,” anang cardinal.

“May we request our priests, consecrated men and women, and lay leaders to continue extending the compassion of the Lord Jesus to the victims, the poor, the hungry, and all those in need,” dagdag pa niya.

Sakop ng Manila Archdiocese ang mga parokya sa Lungsod ng Maynila, Pasay City, Makati City, Mandaluyong City at San Juan City.