November 22, 2024

Home BALITA Metro

Malabon Mayor Sandoval, keber sa mga bumabatikos sa photo op niya sa baha

Malabon Mayor Sandoval, keber sa mga bumabatikos sa photo op niya sa baha
Photo Courtesy: Jeannie Salvador (FB),

Nagbigay ng reaksiyon si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval hinggil sa kumalat niyang larawan habang sakay ng isang rescue boat sa gitna ng baha dulot ng bagyong Carina.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Huwebes, Hulyo 25, sinabi ni Sandoval na hindi na raw niya papansinin ang mga hindi maayos na komento.

“Trabaho lang naman sa amin, e. Basta makakatulong lang naman kami sa mga tao. Kung maayos naman 'yong comment e 'di okay lang. Pagka hindi naman maayos, hindi ko na lang po pinapansin," saad niya.

Bukod dito, ibinahagi rin ng mayora ang kuwento sa likod ng nasabing larawan. Ayon sa kaniya, may naabutan umano silang dalawang buntis na manganganak at kailangang isugod sa ospital.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

"E, medyo malalim na talaga 'yong dadaanan papunta doon sa ospital ng Malabon so sinakay na lang namin sila sa bangka para makarating na," saad ni Sandoval.

Dagdag pa niya: "Mahirap namang manganak sila sa kalsada kaya talagang ginawan namin ng paraan para makarating sila sa ospital."

Matatandaang umani ng pambabatikos mula sa mga netizen ang larawan ni Sandoval dahil parang siya pa umano ang na-rescue.Pero marami rin namang netizens ang dumepensa sa mayora.

MAKI-BALITA: Mayor ng Malabon, to the rescue sa buntis; larawan, umani ng reaksiyon