November 23, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Gloc 9, 'di pinangarap maging international artist

Gloc 9, 'di pinangarap maging international artist
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Inamin ng rapper at composer na si Gloc 9 na hindi raw sumagi sa isip niya na makasampa at itanghal ang sarili sa internasyonal na entablado.

Sa isang episode ng kasi “Fast Talk with Boy” kamakailan, naitanong ni Boy kung bakit hindi pinili ni Gloc 9 sumikat globally.

“Hindi po kasama sa listahan ko ‘yon. Napakasimple lang po ng hiniling ko dati. Gusto ko lang makasulat ng kanta,” saad ni Gloc 9.

Dagdag pa niya: “May mga kontrata akong pinirmahan na kahit nakasulat do’n e do’n ako magra-rap sa loob ng bulkang Mayon, pipirmahan ko ‘yon dahil ‘yon lang ang gusto kong gawin.”

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Naitanong ni Boy kay Gloc 9 ang tungkol sa “international thing” dahil kamakailan lang ay ni-release ang track na “Honcho” ni American rapper Eminem kung saan nag-rap sa Tagalog ang Fil-Am rapper na si Ez Mil.

Natuwa naman si Gloc 9 sa tagumpay ni Ez Mil na maitanghal ang wika ng Pilipinas sa internasyonal na espasyo dahil buhay siya nang masaksihan niya ito.

“Para mabuhay ako sa time na mayroong isang Pilipino na nakakaapiran niya ‘yong mga artist na pinapakinggan namin sa cd ay isang bagay na dapat ipagmalaki mo talaga,” aniya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Gloc sa nasabing panayam kung anong klaseng relasyon ang mayroon sa kanila ni master rapper Francis Magalona.

MAKI-BALITA: Gloc 9, nangungutang dati kay Francis M