November 24, 2024

Home BALITA National

Sen. Imee, dinepensahan pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH

Sen. Imee, dinepensahan pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH
MULA SA KALIWA: Sen. Imee Marcos at VP Sara Duterte (Photo: Sen. Imee/FB)

“Hindi naman niya alam na may bagyo, pambihira naman.”

Ito ang iginiit ni Senador Imee Marcos nang depensahan niya si Vice President Sara Duterte na lumipad pa-Germany kasama ang kaniyang pamilya nitong Miyekules, Hulyo 24, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina sa malaking bahagi ng bansa.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Marcos na matagal na raw naplano ni Duterte ang naturang biyahe patungong Germany.

“Matagal nang plano ‘yun. Hindi naman niya alam na may bagyo, pambihira naman,” giit ni Marcos.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Nakita naman natin, ang unang umaksyon ay ‘yung OVP. Sa totoo lang, nagkalat na ‘yung mga naka-preposition na pagkain, mga gamot, damit, ikinalat na sa iba’t ibang mga lugar. At palagay ko talagang nakatutok naman sila,” saad pa niya.

Samantala, matatandaan namang nito lamang ding Huwebes ay nauna nang nagpaliwanag ang Office of the Vice President (OVP), at sinabing noon pang Hulyo 9, 2024 nang matanggap ni Duterte ang travel authority mula sa Office of the President (OP) para sa naturang “personal trip” kasama ang kaniyang pamilya.

MAKI-BALITA: OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH

“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities,” saad ng OVP.

MAKI-BALITA: OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara