January 15, 2025

Home BALITA National

Robin Padilla, pinagbibitiw si Francis Tolentino sa PDP

Robin Padilla, pinagbibitiw si Francis Tolentino sa PDP
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla/FB

Iminungkahi ni Senador Robin Padilla, bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP), kay Senador Francis Tolentino na magbitiw na ito bilang opisyal at kasapi ng kanilang partido.

Sa sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 25, sinabi ni Padilla na mas makabubuti umano ang pagbibitiw ni Tolentino bilang party vice president for Luzon at miyembro ng PDP upang matutukan nito ang kaniyang mga responsibilidad bilang Senate majority leader, at upang maiwasan daw ang pagkuwestiyon sa kanilang pagtugon sa mga isyu sa bansa, lalo na sa usapin ng politika.

“Dahilan sa bagong mandato na inyong hinaharap sa Senado, buong pagpapakumbaba kong iminumungkahi na marahil po ay mas makabubuti ang iyong pagbibitiw bilang opisyal at kasapi ng PDP-Laban,” ani Padilla.

“Sa ganang akin po lamang, ang mungkahing ito po ay upang maiwasan din natin ang pagkuwestiyon, kung magkakaroon man, sa ating pagiging patas sa pagtugon sa mga isyu, lalo sa mga usaping pampulitikal.”

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

“Muli't muli po, nais kong bigyang diin na wala po akong hangad kundi ang patuloy pang suportahan ang iyong mga mabubuting gawain at misyon para sa ating Inang Bayan,” saad pa niya.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang tugon si Tolentino sa naturang pahayag ni Padilla.

Matatandaang nitong Miyerkules, Hulyo 24, nang manumpa si Padilla bilang bagong pangulong ng PDP, kung saan pinalitan niya si Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez na nagbitiw sa posisyon.