December 23, 2024

Home BALITA National

Panawagan ni PBBM matapos ang baha: Itapon basura sa tamang tapunan

Panawagan ni PBBM matapos ang baha: Itapon basura sa tamang tapunan
Courtesy: MPC Pool via MB

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipinong itapon ang kanilang mga basura sa tamang tapunan dahil hindi umano gumana ang mga imprastraktura ng pamahalaan para sa pagkontrol ng baha dahil sa mga basurang humaharang sa mga ito.

Sa isang panayam sa Navotas City nitong Huwebes, Hulyo 25, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na may sapat na pumping stations ang Camanava ngunit hindi raw gumana ang mga ito dahil sa mga nakaharang na basura.

"Yung pumping stations natin, marami na. Nagkaproblema lang," ani Marcos. "Sana matuto naman ang tao. Huwag kayong nagtatapon ng basura dahil ‘yung basura ang nagbara doon sa mga pump natin kaya hindi kasing effective.”

Binanggit din ng pangulo na mayroong 32 pumping stations ang Valenzuela, habang 81 naman sa Navotas, na sa kasalukuya’y 80% pa rin umanong baha.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Mas marami tayong flood control ngayon kaysa noon. Pero, climate change. This is what the effects of climate change are," saad ni Marcos.

"Marami nang flood control [projects] pero nasapawan sa dami ng tubig. So we have to reexamine some of the designs of our flood control," dagdag pa niya.

Nitong Huwebes nang magsagawa si Marcos ng ocular inspections sa mga bahagi ng Metro Manila na binaha dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at ng pinalakas na southwest monsoon o habagat.