November 24, 2024

Home BALITA National

OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH

OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH
Photo courtesy: VP Sara Duterte/FB; Ariel Fernandez via MB

Naglabas ng paliwanag ang Office of the Vice President (OVP) hinggil sa paglipad pa-Germany ni Vice President Sara Duterte kasama ang kaniyang pamilya nitong Miyerkules, Hulyo 24, kung kailan naranasan ng malaking bahagi ng bansa ang hagupit ng bagyong Carina.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 25, sinabi ng OVP na nakatanggap si Duterte ng “necessary approvals” mula sa Office of the President (OP) noon pang Hulyo 9, 2024.

“The Vice President is on a personal trip with her family overseas. Her departure  received the necessary approvals, as evidenced by the travel authority issued by the Office of the President dated 09 July 2024,” anang OVP.

“We thank the public for respecting the privacy of the other members of the family.”

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Binanggit din ng opisina ng bise presidente na bagama’t nataon daw na sa pananalasa ng bagyong Carina ang paglipad ni Duterte sa ibang bansa, naghanda ang kanilang Disaster Operations Center para maghatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities,” saad ng OVP.

MAKI-BALITA: OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Matatandaang nitong Miyerkules nang mamataan si Duterte kasama ang kaniyang asawa, mga anak, at ang inang si Elizabeth Zimmerman, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan pabiyahe raw sila patungong Munich, Germany.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany