November 23, 2024

Home BALITA Metro

Mayor ng Malabon, to the rescue sa buntis; larawan, umani ng reaksiyon

Mayor ng Malabon, to the rescue sa buntis; larawan, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Malabon Mayor Jeannie Sandoval (FB)

Ibinahagi ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang ilan sa mga kuhang larawan at video kung saan makikitang hands on siya sa pagsasagawa ng rescue at maging relief operations sa mga nasalantang nasasakupan sa paghagupit ng bagyong Carina at habagat sa bansa nitong Miyerkules, Hulyo 24.

Makikita sa mga larawan na kasama ang mayora sa rescue team habang halos lagpas-tao na ang bahay. Ibinida pa ng mayora ang nailigtas nilang buntis, na nasa maayos na lagay naman.

"Tinulungan po natin na madala sa pinakamalapit na ospital ang isa nating Malabueño na manganganak. Sakay ng rescue boat, safe po nating naihatid ang ginang sa ospital," aniya.

Facebook

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Habang nagpapatuloy po sa pag-iikot ang... - Mayor Jeannie Sandoval | Facebook

Makikita pa sa iba pang Facebook posts ang alkalde kasama ang rescue team sa pagtugaygay sa mga binahang lugar upang matiyak na ligtas ang mga nasasakupan.

Subalit isang larawan ng mayora ang nakapukaw sa atensyon ng netizens dahil makikitang nakasakay siya sa rescue boat habang hila ng ilang rescue team member.

Marami sa mga netizen ang nagsabing para daw siyang "Disney Princess" at hitsurang parang siya pa ang na-rescue.

Photo courtesy: Malabon Mayor Jeannie Sandoval (FB)

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Imbis na yung irerescue yung isakay"

"Ay Disney Princess pala hahaha."

"Libreng PR na rin, kayo naman, di na kayo nasanay..."

"Mayora, sana hindi na lang po kayo sumama, kaya na yan ng mga tauhan mo po. Para kasing intindihin pa po kayo hehe."

"You wasted valuable time. Instead of rescuing stranded individuals and pets, you staged a PR stunt. Your team on the ground can report back to you and there was no need for you to be there. The boat you used could have saved lives, and the manpower in this photo could have contributed to rescue operations or provided assistance. Six pairs of hands could've done more. Instead of focusing on the efforts, some people had to redirect their manpower to assist, protect, and cover you, just to project 'good leadership.'"

"sayang yung rescue boat sana nagamit sa mga tunay na nangangailangan..."

Subalit marami din naman ang nagtanggol sa alkalde. Anila, isang larawan lamang daw ang hinusgahan nila subalit binura na nila ang effort ng mayora na maging hands on sa pagtulong sa kaniyang mga nasasakupan. Kapag wala naman at hindi nakikita ang lider, sasabihing nawawala at hindi mahagilap.

"Makiki comment na po.. Marami pong rescuer ang nag iikot po.. dito po s lugar namin may mga nag punta din po.. wag n po sana tau n puro puna nalng ginagawa naman po nila ang pwede nila itulong.. kesa po pumuna tau mas mainam po n kung kaya po natin tumulong e tumulong nlng din po tau para s ika bubuti ng lahat.. kung hndi man po ntin kya sana kht ipag dasal nalng po natin n tumigil n ang malakas n ulan.. pasensya n po kung nki comment ako.. mga kapwa pinoy po tau kailangan ntin mag tulungan at mag malasakitan.. unawain din po sana ntin.."

"Problema kase sa mga tao ngayon ang laki laki na ng problema ng taong bayan mas inuuna pang mang batikos ng tao kesa tumulong. Alamin nyo po muna ang bawat detalye sa bawat makikita nyong mga post."

"Hindi po ganyan si Mayor. Grabe naman kayo. Nagpicture lang eh. Siyempre kung kayo nasa sitwasyon ng mga kasama niya at alam ninyong mahalagang tao ang kasama ninyo, pababayaan n'yo ba?"

"Go lang mayor! Okay lang 'yan. Mas gusto na naming nakikita ang lider namin kaysa naman sa hindi mahagilap."

"Walang masama sa ginawa ni Mayor, dahil tip of the iceberg lang 'yan. Very hands on siya ibig sabihin, at bilang lider, hindi siya makakampante na parang wala siyang ginagawa, kaya siguro siya sumama."

"baka mayor namin yan, saludo po kami sa inyo, wag na intindihin ang bashers."

"Mas mainam nang visible ang lider ng bayan kaysa naman sa nagtatago o umaalis ng bansa sa panahon ng kalamidad, ooopppsss..."

Samantala, ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 25, makikitang sumama sa relief operations sa iba't ibang evacuation centers ang mayora upang personal na mapaabot sa kanila ang tulong.

Facebook

Burado na rin sa post ng alkalde ang na-bash na larawan.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mayor Sandoval o ang lokal na pamahalaan ng Malabon tungkol sa isyu.